Form ng Pampublikong Komento

Bukas ang komento: December 23, 2025 12:01AM PT - January 25, 2026 11:59PM PT.

Disyembre 23, 12:01 am – Enero 25, 11:59 pm


Magbigay ng komento tungkol sa mga update sa Proseso ng Pagtatasa at Pagraranggo ng Panganib sa Site (Site Hazard Assessment and Ranking Process, SHARP)

 

Nais naming malaman ang inyong mga pananaw sa mga iminungkahing pagbabago sa Proseso ng Pagtatasa at Pagraranggo ng Panganib sa Site (SHARP). Ang SHARP ay ang paraan natin ng pagsusuri sa mga banta ng kemikal sa mga tao at iba pang nabubuhay na organismo sa mga kontaminadong site.

 

Ang kontaminasyon sa isang site ay maaaring matagpuan sa iba’t ibang daluyan ng kapaligiran tulad ng lupa, tubig sa ilalim ng lupa, tubig sa ibabaw, latak, at hangin sa loob ng gusali. Gamit ang SHARP tool, sinasagot ng mga staff ang serye ng mga tanong tungkol sa bawat media sa isang site. Ginagamit ang mga sagot upang bigyan ng puntos ang bawat daluyan batay sa posibilidad ng pagkakalantad at sa maaaring maging pinsalang dulot nito. Ang limang puntos ng bawat daluyan ay pinagsasama upang makabuo ng kabuuang antas ng site.

 

Nagmumungkahi kami ng dalawang pagbabago upang mapahusay ang kasangkapang SHARP. Mangyaring magbigay ng komento sa mga sumusunod: 

·       Dagdagan ang bigat ng mga puntos ng pagkakalantad na “B” sa kabuuang pagkalkula ng SHARP rating. Ang markang “B” ay nangangahulugang posibleng nalalantad ang mga nabubuhay na organismo sa mga kontaminant sa site, ngunit kailangan pa ng karagdagang impormasyon upang ito ay makumpirma. 

·       Magdagdag ng tanong upang mas mahusay na masuri ang pagkakalantad ng mga halaman at hayop sa kontaminasyon sa tubig sa ibabaw.

  

Isumite ang iyong mga komento online sa go.ecology.wa.gov/SHARPCommentPeriod2025. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan kay Meredith Bee, Dalubhasa sa Pagtatasa ng mga Kontaminadong Site, sa Meredith.Bee@ecy.wa.gov o tumawag sa 360-995-3252.

Ang detalyadong paglalarawan ng mga update na ito at karagdagang impormasyon tungkol sa SHARP ay matatagpuan sa aming pahina tungkol sa Pagtatasa ng mga Kontaminadong Site.


Upang humiling ng akomodasyong Batas para sa mga Amerikanong may Kapansanan (Americans with Disabilities Act, ADA), mag-email sa Meredith.Bee@ecy.wa.gov, tumawag sa 360-995-3252, o i-dial ang 711 upang tumawag sa pamamagitan ng Washington Telecommunications Relay para sa mga serbisyong tulad ng text telephone (TTY). Bisitahin ang Ecology.wa.gov/ADA para sa karagdagang impormasyon tungkol sa accessibility.




Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan

*Ang lahat ng mga patlang ay opsyonal maliban kung iba ang ipinahiwatig.

Submitted by Value

Pangalan

Apelyido

Address

Lungsod

Estado

ZIP

Email

Consent to Mailing List

Ang iyong Komento


Ang mga komento ay kailangang isumite sa o bago ang Enero 25, 2026, bago mag-11:59 ng gabi.


Para makapagkomento, ilagay ang (mga) komento sa text area.


Upang magsumite ng mga kalakip, gamitin ang pindutang, gamitin ang \\\"mag-upload ng file\\\" (upload a file) sa ibaba. Pagkatapos ay pindutin ang \\\'Magpatuloy\\\' (Continue) para suriin ang iyong (mga) komento.


Anumang impormasyon (hal., personal o pang-ugnayan) na iyong ibibigay sa form ng komento na ito o sa isang kalakip ay maaaring isapubliko at ilathala sa Internet.


Upang magsumite ng mga komento para sa isang grupo, mangyaring bisitahin ang aming webpage ng Mga Tip sa Pagkokomento.
Susunod na Mga Hakbang: Pagkatapos ng pagtatapos ng panahon ng pagkokomento, susuriin at isasaalang-alang ng Ecology ang lahat ng natanggap na komento habang tinatapos namin ang mga dokumento at tumutugon nang naaayon.





*Ang pag-upload ng file ay opsyonal*

Maaari kang mag-attach ng hanggang limang 20 MB na file upang samahan ng iyong pagsusumite. Ang mga pinapayagang format ay pdf, jpg, jpeg, png, txt, gif, doc, docx, xlsx, xls. Kung nakakaranas ka ng mga teknikal na paghihirap sa pagsusumite ng iyong komento mangyaring makipag-ugnayan sa taong nakalista sa ibaba ng pahinang ito.


Thank you for subscribing to the SHARP Public Comment 2025 mailing list.